528

Dec 29, 2017 @ 17:33
By

Dalagita na-gang rape ng ka-chat sa FB

Paalala ng pulisya, huwag basta-basta magtitiwala sa mga nakaka-chat lamang sa kahit saang social media site upang maiwasan ang nangyari sa isang 15-anyos na dalagita na nabiktima ng gang rape matapos na makipag-eyeball sa nakilala lamang sa Facebook sa Navotas City kahapon ng madaling-araw.

Sa salaysay ng mga magulang ng biktimang itinago sa pangalang Loriely, Grade 10 stude, sa Navotas City Police-Women and Children’s Protection Desk, nagpaalam sa kanila ang anak kamakalawa ng gabi na may pupuntahan lang sandali.

Inakalang pupunta sa mga kaibigan na malapit lang sa kanilang bahay ay pinayagan nila ito ngunit sumapit na ang gabi ay hindi pa ito umuuwi.

Tinawagan nila ang anak ngunit bigo silang malaman kung nasaan ito.

Kinabukasan, alas-siyete ng umaga natagpuan ng kanyang mga kaibigan ang biktima na nakagapos sa isang abandonadong lote nang walang saplot.

Agad nila itong sinaklolohan at kasama ang kanyang mga magulang ay nagtungo sila sa himpilan ng pulisya.

Isinalaysay ng biktima ang panggagahasa sa kanya ng hindi bababa sa tatlong lalaki na ang isa ay nakilala niyang si Jayvee dela Cruz, 23-anyos, walang hanapbuhay, residente ng Phase 1-A, Alacoac Street na naaresto ng pulisya.

Itinanggi ni Dela Cruz ang mga paratang sa kanya ngunit positibo siyang kinilala ng mismong biktima. (Cherk Balagtas)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?