48

By

Dalagita, hinalay na, ninakawan pa ng construction worker

Sharing is caring!

Swak sa piitan ang isang manyakis na construction worker matapos na pagnakawan ay pinagsamantalahan pa ang 14-anyos na dalagita sa Brgy. Masambong, Quezon City kaninang madaling-araw.

Kinilala ni P/Chief. Supt Joselito Esquivel Jr., ang suspek na si Randy Depra, alyas Ryan, 46, tubong Iloilo at residente ng No. 6 Cagna St., Brgy. Masambong.

Sa imbestigasyon ng pulisya, alas-kuwatro ng madaling-araw inakyat at pinasok ng suspek ang bahay ng biktima na itinago sa pangalang Nene habang natutulog ito.

Sinasabing ang tunay na pakay ng suspek ay magnakaw lamang pero nakita nitong nag-iisang natutulog ang biktima kaya nito ginahasa.

Ayon sa report, nagtangkang manlaban ang biktima at sinabing pulis ang kanyang tatay pero tinutukan ito ng baril ng suspek, itinali saka siya ginahasa.

Nang makaraos ang suspek ay tinangay pa ang P320 na pera, cellphone at iba pang mahalagang gamit ng biktima.

Agad namang nakapagsumbong sa Masambong Police Station ang biktima kaya nagsagawa ng follow-up operation na nagresulta ng pagkakadakip sa suspek.

Sa himpilan ng pulisya ay positibong kinilala ng biktima na ang nadakip na suspek ang siyang umakyat sa kanilang tahanan at nang-rape sa kanya.

Sa ngayon ay nakakulong sa QCPD detention cell ang suspek at nahaharap sa kasong rape with robbery. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?