2,091

Oct 26, 2018 @ 20:02
By

Dalagita ginahasa ng magkapatid

Isang 18-anyos na dalagita ang halinhinang ginahasa ng magkapatid na nakainuman niya sa Lungsod ng Malabon.

Sa ulat ni Malabon City Police chief Sr. Supt. Jessie Tamayao, base umano sa imbestigasyon ng Women and Children Protection Desk (WCPD) ay alas-dos pasado ng madaling-araw nang maganap ang insidente sa isang bahay sa Camus Ext., Barangay Ibaba ng nasabing lungsod kung saan ay kainuman ng biktimang itinago sa pangalang ‘Pia’, grade 11 ang mga suspek na sina Romel Sta Maria, 20-anyos, delivery boy, at Roan Jay Sta. Maria nasa hustong gulang at dati nitong nobyong si John Mark Del Mundo.

Nang magkalasingan na ay doon na nagpaalam ang ex-boyfriend ng biktima na uuwi na at naiwan ang biktima kasama ang dalawang suspek, lasing na lasing na rin noon ang biktima nang bigla na lamang umano siyang ihiga ng suspek na si Rommel at umpisahang paghahalikan at hipuan sa maseselang bahagi ng kanyang katawan saka tuluyang ginahasa.

Matapos maisakatuparan ang hangarin ay binihisan muli ni Rommel ang biktima ngunit ilang sandali pa ay si Roan Jay naman ang gumahasa dito, binitbit pa siya nito sa madamo at madilim na bahagi ng lugar at doon ay iginapos nito ang mga kamay at paa ng biktima saka hinalay sa harap ng nanunuod na si Rommel.

Pinakawalan din ng mga suspek ang biktima at nang makauwi ay agaran ding ipinagbigay-alam sa kanyang ina ang insidente, hindi naman nag-aksaya ng panahon ang nanay nito at mabilis na humingi ng saklolo sa pulisya na nauwi sa agarang pagkakaaresto kay Rommel ngunit nakatakas na si Roan Jay na patuloy na tinutugis ngayon ng pulisya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?