By

Dalagita ginahasa ng BFF

Sharing is caring!

Isang dalagita ang maagang namulat sa kamunduhan matapos gahasain ng kaibigang pinagkatiwalaan niya sa Malabon City kagabi.

Sa ulat ng Malabon City Police-Women and Children’s Protection Desk, alas-siyete ng gabi, nang gahasain ng suspek na itinago sa pangalang Emwek, 17-anyos, ang biktimang si “Sabrina”.

Pinaikot-ikot ng suspek ang biktima kung saan una silang pumunta sa bahay umano ni Emwek sa Valenzuela hanggang sa nagtungo sila sa Sangandaan Cemetery upang dalawin ang kanyang ina.

Matapos ay niyaya ng suspek ang biktima na kumain sa isang fast food chain.

Habang kumakain ay niyayang muli ni Emwek si Sabrina sa isa pa umano nilang bahay sa Barangay Tanong at doon ay inumpisahan nang halayin.

Matapos ang insidente ay agad na pinauwi ng suspek ang biktima.

Nagsumbong ang biktima sa kanyang ina na siya namang humingi ng saklolo sa kanilang barangay kaya naaresto ang suspek.

Nasa kustodiya na ng Department of Social Welfare and Development at nahaharap sa kasong paglabag sa anti-rape law ang suspek.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?