170

By

Dalagang ‘pinagbigyan’ ang chat mate, laking sisi sa pamba-blackmail

Sharing is caring!

Laking pagsisisi ng isang 19-anyos na estudyante matapos ‘pagbigyan’ ang isang ka-chat nang makipag-eyeball at pumayag na makipag-date sa loob ng isang motel sa Pasig City.

Batay sa report na nakalap mula sa tanggapan ng Eastern Police District (EPD), arestado sa isinagawang entrapment operation ang isang 27-anyos na si Jamdani y Daniel, residente ng Barangay Manggahan, Pasig City.

Ayon sa salaysay ng biktimang itinatago sa pangalan ‘Lea’, pumayag siyang makipagkita sa kanyang ka-chat na nakilala lamang sa isang social media na si Arraquib dahil matagal na umano niya itong nakakausap ay napapalagay na ang kanyang loob dito.

Nagkita sila noong September 6, sa isang lugar sa Pasig at nangyari ang isang pagniniig at mula noon ay hindi na siya nakiupag-usap pa sa suspek.

Naging makulit umano ang suspek at palagi siyang mine-message at ang huli ay noong September 9 na sinabi nitong may video siya ng kanilang pagtatalik kaya kailangang makipagkita ito sa kanya.

Sa takot ng biktima ay siya na mismo ang lumapit sa tanggapan ng Pasig Police at inireport ang pamba-black mail ng suspek at agad na nagsagawa ng entrapment operation bandang alas-1:30 Lunes, Setyembre 10 ng hapon sa Mangga St. Nacipo, Barangay Mangahan para sa paghuli sa suspek na kung saan ay pumapayag na makipagkita ang biktima sa suspek at doon na dinakma ang suspek nang humingi na ng tulong ang biktima na aktong inaaya na siyang sumakay ng jeep.

Nakumpiska mula sa suspek ang isang Samsung J7 na cellphone.

Nahaharap sa kasong extortion ang suspek at kasalukuyang nakakulong sa Pasig detention cell.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?