90

By

Dalagang papasok sa trabaho, naatrasan ng jeep

Sharing is caring!

Dahil sa paghahabol ng mga pasahero, naatrasan ng isang jeepney driver ang isang empleada ng SM sa Barangay Tejeros, Makati City kahapon ng umaga.

Halos isang oras na nakahandusay at umiiyak si Mary Ann Anora sa kanto ng Pasong Tamo at Kalayaan Avenue dahil sa insidente.

Bukod sa mga galos sa tuhod at binti, idinaing ni Anora ang kanyang kaliwang balikat na hinihinalang nabali ang buto.

Ayon sa mga saksi, nag aabang si Anora nang masasakyan papasok sa trabaho pasado alas 7 nang biglang umatras ang jeep (DHT 290) na may biyaheng PRC – LRT Buendia.

Agad na tumakas ang hindi na nakilalang driver at hinayaan na lang ang biktima na umiiyak habang nakahiga sa gitna ng kalsada. (Pinggoy Romero)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?