148

Oct 18, 2018 @ 11:20
By

Dalaga tinira ng riding-in-tandem sa Kidapawan

Pinagbabaril ang isang dalaga ng dalawang hindi pa nakikilalang riding-in-tandem habang naglalakad ang biktima pauwi ng kanilang bahay, kahapon ng umaga sa Kidapawan City.

Kinilala ni Supt Ramel Hojilla, hepe ng Kidapawan City PNP, blangko pa rin sila sa sanhi ng pagbaril sa biktima na si Aiko Losis, 24-anyos at residente ng nasabing lungsod.

Ayon pa kay Hojilla, naglalakad ang biktima sa kahabaan ng Quezon Boulevard sa Kidapawan City nang biglang paputukan ng riding-in-tandem gamit ang kalibre.45 na baril at agad na tumakas patungong Makilala Cotabato.

Nagtamo ng tama ng bala ng baril sa kanyang ulo at likod ang biktima na agaran nitong ikinasawi.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?