112
crime-scene-vismin
By

Dalaga, sinalpok ng SUV sa Maynila, patay

Sharing is caring!

Hindi na umabot ng buhay sa Ospital ng Maynila ang isang babae matapos na banggain ng isang Sports Utility Vehicle (SUV) sa Malate, Maynila 1:00 ng madaling araw ng Martes.

Kinilala ang nasawi na si Geraldine Villaruel, residente ng Paranaque City.

Sa Kuwento si Jason Antonio, patawid sa Southbound lane ng Roxas Boulevard ang kanyang kasintahan nang biglang sumulpot ang humaharurot na Toyota Fortuner na pag-aari ni Ian Christopher Belmonte.

Sa lakas ng banggaan, nasira ang harapan ng SUV at nabasag ang windshield nito.

Pero ayon sa driver ng sasakyan, naka-go siya at yung biktima ang biglang tumawid.

Nasa kustodiya na ngayon ng mga pulis ang may-ari ng SUV.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
## Sticky for mobile →Please put this tag in
"); document.write(""); }