112

By

Dalaga sinaksak ng ex-boyfriend dahil sa selos

Sharing is caring!

Patay ang isang dalaga makaraang na pagsasaksakin ng kanyang dating kasintahan sa Katarungan Village, Brgy, Mambugan, Antipolo City Huwebes ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Angel Montevirgen habang ang suspek ay kinilalang si Ronald Del Rosario.

Sa ulat ni CALABARZON Regional Director Police Chief Supt Guillermo Eleazar alas 10:30 ng gabi kagabi nang mangyari ang krimen.

Sa salaysay aniya ng mga testigo na sina Rex Joseph Puma, at John Ericson Valdez, nakita nilang nag-uusap ang biktima at suspek ngunit walang sabi sabing pinagsasaksak ng suspek ang biktima.

Tumakas agad ang suspek na ngayon ay target ng manhunt operation ng PNP Antipolo.

Isinugod agad sa Amang Rodriguez Hospital Marikina City ang biktima pero idineklang dead on arrival.

Nakikitang motibo naman ng pulisya ay selos dahil inagaw ng kaibigan ng suspek ang biktima para maging girlfriend dagdagan pa ang pangangantiyaw ng mga kaibigan ng suspek.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?