1,739

Jul 5, 2022 @ 20:04
By

Dalaga natagpuang patay sa sapa sa Bulacan

Hustisya ang sigaw ng mga kapamilya at kaibigan ng isang babae mula Guiguinto, Bulacan na natagpuang wala ng buhay sa isang sapa ngayong Martes.

Kinilala ang biktima bilang si Princess Dianne Dayor.

Ayon sa ulat, huling nakita si Dayor noong Hulyo 2 habang papasok ito sa trabaho. Umalis umano ang biktima ng kanilang tahanan dakong alas-5:40 ng madaling araw. Gayunman, hindi na umabot ng buhay si Dayor sa lugar kung saan siya susunduin ng kanyang ka-trabaho.

Nag-alala ang mga kaanak ng biktima at nanawagan para makita ang biktima. At ngayong Martes, tumambad na lamang sa isang sapa ang bangkay ni Dayor.

Patuloy na nananawagan ang mga kaibigan at kaanak ni Dayor ng kasagutan sa pagkamatay ng biktima.

HUSTISYA PARA KAY PRINCESS DIANNE!

July 2, 2022 ng umaga huling namataan si Princess papasok daw sa kanyang trabaho…

Posted by Sangguniang Kabataan ng Tabang on Tuesday, July 5, 2022

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?