56

By

Dalaga natagpuang nakabigti ng utol

Sharing is caring!

Isang 18-anyos na dalaga ang nagpatiwakal sa pamamagitan nang pagbibigti sa sarili sa hindi pa malamang dahilan sa Quezon City, ntiong gabi ng Agosto 12.

Kinilala ni PO2 Juluis P. Raz, imbestigador ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) ng Quezon City Police District (QCPD) ang nagpatiwakal na si Rachel Turallo, 18-anyos, out-of-school youth, at residente ng No. 4 Lower St., Brgy. Old Balara sa nasabing lungsod.

Siya ay natagpuang ng kapatid na si Renalyn na nakabigti ng kumot at itinali sa kisame sa loob ng kanilang silid na nasa ikalawang palapag ng kanilang tahanan.

Batay sa pahayag sa pulisya ni Renalyn, dakong alas-7:00 ng gabi ay pumasok siya sa kanilang silid para matulog nang bumungad sa kanya ang nakabiting katawan ng kapatid.

Bagamat nakaramdam ng takot ay agad umano niyang hinila ang upuan at agad na tinanggal ang pagkakabigti sa kisame ni Rachel sa pag-asang may buhay pa ito.

Nang maibaba ay agad na tinawag niya ang kanyang nanay na si Aling Lucila at isinugod nila sa Malvar General Hospital si Rachel subalit idineklara itong patay na bandang alas-7:51 ng gabi ng attending physician na si Dr. Ermin Cabanella.

Hindi naman masabi ng pamilya kung ano ang dahilan ng pagbibigti ni Renalyn subalit nitong mga nakaraang araw ay napapansin na umano dito ang pagiging malungkutin at walang kibo.

Tumanggi namang paimbestigahan ni Aling Lucila ang nasabing insidente dahil naniniwala umano siya na sadyang kinitil ng kanyang anak ang kanyang buhay.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?