327

Jan 8, 2022 @ 15:30
By

Dalaga nalitson sa sunog sa Pasig

Patay ang isang 16-anyos na babae sa isang sunog sa Hillcrest Drive, Barangay Oranbo, Pasig City ngayong Sabado.

Kinilala ang biktima bilang si Gelyn Carol Advincula.

Samantala, naitala rin ng mga bumbero na nasugatan sa sunog ang isang dalawang-buwang gulang na sanggol.

Ayon sa ulat, apat na bahay ang natupok ng apoy na tumagal ng halos isang oras.

Itinaas ang sunog sa unang alarma dakong alas-2:05 ng madaling araw at naapula alas-2:40 ng madaling araw.

Nagsimula umano ang sunog sa bahay na pagmamay-ari ng isang Geraldine Villamin.

Nasa 15 katao umano ang apektado sa nasabing sunog, habang aabot naman sa P3.6 milyon ang halaga ng mga naabo na ari-arian.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?