295

Jul 4, 2020 @ 14:36

Dalaga na biktima umano ng molestiya, inutas ng tandem

Nasawi ang isang dalaga matapos itong pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang riding-in-tandem sa Barangay Daclapan, Cabugao, Ilocos Sur nitong Huwebes.

Saad ng Cabugao Police Station, kasama ng biktima na si Fabel Pineda ang kanyang tiyuhin at pinsan nang harangan sila ng suspek sakay ng motorsiklo.

Dito na nangyari ang pamamaril kay Pineda, kung saan nagtamo ng tama sa ilang bahagi ng katawan.

Bago mangyari ang pamamaril, nagsampa umano ng reklamo si Pineda laban sa isang hindi pa kinikilalang lalaki na sinasabing nang-molestiya sa 15-anyos na dalaga.

Sa social media, bumuhos ang pakikiramay para sa dalaga at sigaw ang hustisya para mahuli ang pumaslang kay Pineda.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?