47

By

Dakpin basta may arrest warrant – Panelo sa hatol kay Imelda

Walang pumipigil sa pag-aresto kay Ilocos Norte Representative Imelda Marcos, ayon ito kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo.

Sa panayam sa kanya sa ASEAN Summit sa Singapore, sinabi ng spokesperson na sasabihin umano ng Pangulong Rodrigo Duterte sa mga awtoridad na gawin ang kanilang trabaho at hindi hahadlangan ang mga ito

“Nobody is stopping the police from arresting her. If there’s a warrant of arrest, this President will tell you, do your job,” pakli ni Panelo.

Hindi rin umano masasagot ni Panelo ang usapin kung gagawaran ba ng presidential pardon si Marcos.

“Diskarte ng Presidente ‘yan. Lahat ng president will have to reply on their own discretion,” saad ng spokesperson.

Matatandaan na hinatulan ng guilty ng Sandiganbayan Fifth Division ang 89-anyos na si Marcos sa pitong counts ng graft at sinentensyahan ng anim ng hanggang 11 taon sa bawat count dahil sa ginawang pitong Swiss account para umano sa mga foundation.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?