19

By

Dakilang manunulat na si Alice Guillermo, pumanaw na

Sharing is caring!

Inulan ng tributes para sa isang art critic at nirerespetong guro ng University of the Philippines (UP) ang Twitter matapos nitong pumanaw noong Linggo sa edad na 80.

Si Alice Guillermo ay kilala ring dakilang manunulat ng tula at essay. Isinilang siya noong Enero 6, 1938 sa Quiapo, Manila.

Nagtapos siya ng bachelor’s degree in Education sa College of Holy Ghost at grumadweyt na magna cum laude noong 1957.

Kumuha siya ng master’s degree sa UP at nagsilbing propesora sa Art studies department ng unibersidad.

Bago namatay si Guillermo ay nagsusulat siya ng reviews at articles para sa mga magazine gaya ng Archipelago, Observer, Who, WE Forum, Business Day, at New Progressive Review.

Nanalo noong 1979 ang isinulat niyang essay na “Ang Kaisipang Filipino Batay sa Sining Biswal” sa Palanca Awards at nabigyan din ng Art Criticism Award noong 1976.

Hindi naman inihayag ang sanhi ng pagkamatay ng dakilang guro pero ayon sa mga ulat ay may problema ito sa puso at kidney. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?