2,452

By

Dakdak ni Kobe hinangaan ng mga netizen

‘Di binigo ni Kobe Paras ang crowd ng UP Fighting Maroons nang muling magpasiklab ng highlight dunk sa crucial moment nila kontra La Salle Green Archers sa 82nd UAAP seniors basketball tourney 2019 2nd round elims, Linggo sa Ynares Center, Antipolo City.

Makikita na ang highlight reel dunk ng 6’6 guard na nagbigay sa State U ng bentahe mula sa pagkakabuhol ng magkabilang panig sa 68-all, may 56 segundo na lang sa labanan.

Tapos ang dakdak ay inulan naman ito ng puri sa social media.

@JohnPaulAcong: “Sobrang nag iba yung attitude ni Kobe sa game. Nagbawas siya ng yabang/angas.Mas focus at mature siya sa game ngayon👌💪🔥.”

Hirit ni @JhaysonGonzalesSeccion: “May pang resbak na sa ateneo sa finals.”

“PBA left the group,” ani @JohnHammerStone.

@JananEdnalino: “DLSU – Di Lumusot Sa UP.”

“Sweeps: DLSU defeat UST, UST defeat UP, UP defeat DLSU #AllForMore,” panapos ni @NTMaranan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?