186

Feb 29, 2020 @ 11:44
By

Dakdak lang ang alam! Giannis walang skill – Harden

Namumuo ang iringan sa pagitan ng dalawang NBA MVP na sina James Harden at Giannis Antetokounmpo.

Sa panayam ng ‘The Jump’ ng ESPN kay Harden, tila hindi na ito nakapagtimpi at sumagot na sa mga batikos ni ‘Greek Freak’ na nagsimula noong 2020 NBA All-Star.

Paano kasi ay hindi pinili ni Giannis si Harden sa kanyang koponan, sinabing mas gusto nito ang namamasa na tila pinatamaang ‘bukakaw’ ang Houston Rockets star.

“I want somebody who’s gonna pass the ball,” dating saad ni Antetokounmpo.

Bumalikwas naman si Harden, pinatunayan na marunong siyang pumasa dahil sa kanyang average sa assist.

Nasa 7.3 assists per game si Harden, habang 5.8 naman ang kay Giannis.

“I average more assists than him, I think. I don’t see what the joke is.”

Bukod pa dito, tila nilarawan ni Harden si Giannis, na puro takbo at dakdak lang umano ang alam.

“I wish I was just 7 feet and could just run and just dunk. That takes no skill at all. I’ve got to actually learn how to play basketball and have skill. I’ll take that every day,” patama pa nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?