25

Jul 25, 2018 @ 18:35
By

Dakari itinapon ng Orlando sa Memphis

Ipinamigay ng Orlando Magic si center Dakari Johnson sa Memphis Grizzlies nitong Lunes.

Tatlong araw lang sa Orlando si Johnson matapos makuha mula Oklahoma City Thunder.

Bukod kay Johnson, napunta sa Grizzlies ang draft rights kay Tyler Harvey kapalit ni forward Jarell Martin at cash.

Sumalang ng 31 games ang 22-anyos na si Johnson sa Thunder nitong nakaraang season. Nag-average ang 7-footer ng 1.8 points, 1.2 rebounds sa 5.2 minutes.

Nakatatlong seasons si Martin, 24, sa Grizzlies at nag-average ng 6.2 points, 4.0 rebounds at 18.3 minutes sa 142 games.

Samantala, pumirma na si free agent guard Yogi Ferrell sa Sacramento Kings.

Sa unang bahagi ng nakaraang season ay naglaro ang third-year guard sa Brooklyn Nets bago nalipat sa Dallas Mavericks.

May career averages siyang 10.2 points, 2.9 assists at 2.8 rebounds per game. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?