47

Jun 26, 2022 @ 20:23
By

Daing ni Coach Norman: NLEX namisikal

Kaya raw natalo ang Meralco Bolts sa sister team na NLEX Sabado ng gabi sa Ynares Center sa Antipolo ay dahil hindi nakasabay ang koponan niya sa pamimisikal ng Road Warriors.

Umuwing hulaan ang Bolts, 75-90, kontra NLEX para maitala ang 3-2 record at dumausdos sa 6th place sa PBA Philippine Cup.

“I thought they were physical and we did not react well to their physicality,” saad ni Coach Norman Black.

Maliban dito, nakontrol din aniya ng NLEX ang boards, rebounds at paint area kaya naman sobrang nami-miss daw nila ang mga big man nilang sina Raymond Almazan at Kyle Pascual.

“Obviously we’re missing our centers, so that may have something to do with it. They probably could’ve helped a great deal, but yeah, I thought they were more physical tonight and I thought they dominated inside the paint,” ani Black.

Inaasahan umanong makakalaro na si Almazan sa susunod na linggo matapos sumailalim sa health protocols ng PBA habang si Pascual ay iniinda pa ang kanyang groin pain.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?