183

By

DAILY RADAR: Wardrobe ni Billy sa prenup shoot, unan lang ni Regine

Sharing is caring!

Inuulan ng memes ng netizens ang telang ginamit ng magkasintahang Billy Crawford at Coleen Garcia, bukod pa ito sa patuloy na pambabatikos sa kanilang prenup shoots sa Ethiopia.

Imbes na mainis, tinatawanan na lang ito ng singer/TV host. At kung kay nagagalit sa kanilang ginawa, mas marami naman ang kumakampi sa magkasintahan.

Sa kanyang Instagram page, post kete post si Billy ng mga meme. Ang tela ng kanyang upper wardrobe: may bag, linen fabric ng sofa. At ang tela ng damit ni Coleen: may bag, sofa, backpack bag at unan.

Nakatuwaan din ng Asia’s Songbird na si Regine Velasquez. Nagpost din ang host ng “Sarap Diva” ng unan na may kaparehong tela ng damit ni Billy. Grinab niya ito at pinost sa kanyang IG at nilagyan ng nakatutuwa’t nakakaaliw na caption. “@reginevalcasid di kami nag kamali ng tela! Official #songbird unan! #DeadAko.”

Na sinagot naman ng tawa ng misis ni Ogie Alcasid, “hahahaha” with matching tatlong face with tears of joy emoji. Isang “hahahaha” at katagang “lab u!” naman ang ibinalik ng “It’s Showtime” host.

Sa mga netizen na patuloy pa ring bumabatikos sa Ethiopian pre-wedding shoot nina Billy at Coleen, nag-isyu na ito ng kanilang joint statement at humingi na rin ang magkasintahan ng apology. “We do apologize for how it might have translated, and we’re sorry again to those we have offended,” bahagi ng kanilang statement.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?