374
thia
Apr 18, 2018 @ 14:02
By

DAILY RADAR: Thia Thomalla, pasok sa Top 10 ng Best in Resort Wear segment ng Miss Eco Int’l

On-going na ang Miss Eco International sa Egypt at malalaman sa April 27 (Egypt time) kung masusungkit ng PH representative na si Cynthia “Thia” Thomalla, ang reigning Miss Eco PH 2017, kung maiuuwi niya ang korona sa fourth edition ng naturang international beauty pageant.

Si Thia ang kahuli-hulihang Pinay beauty titlist ng Miss World PH 2017 ang sasabak sa international pageant.

Nasa Marsa Alam (isang resort town on the Red Sea at ikatlong destinasyon ng Miss Eco International delegates) na ang grupo nina Thia para sa kanilang eco-wear, resort wear, fitness competition at interview segments.

Sa kanyang Instagram post nu’ng April 2, a week before she left for Egypt, nag-post si Thia ng kanyang close-up photo at nilagyan ng caption na, “Only one week left and I will be representing the Philippines in the @missecointernational 2018! (insert PH flag). I can’t believe I am the last one to compete in our @missworldphil 2017 batch, and in few more months we will crown our successors already.”

And she adds, “2017/2018 you’ve been crazy but I’m grateful for EVERY little thing that happened & for EVERYONE who bumped into my life! Let the final countdown begin…”

As of today, the YAZZ endorser has been ranked 4th placer sa hot pick ng Missosology, ang leading website/pageant-related community forum, at nangunguna sa kanila as likely to win ay si Miss Eco Peru (followed by Vietnam at Ecuador).

Win or loss, sabi ni Thia nang makausap namin sa kanilang video shoot ng YAZZ Prepaid Card ng Metrobank Card Corporation sa Parallax Studio sa Makati City, pagsisikapan daw niyang maiuwi ang korona ng Miss Eco International 2018.

Sakaling hindi raw naman siya palarin, puwede niyang i-grab ang opportunity na ibinigay ng Regal Entertainment nina Mother Lily at Roselle Monteverde for a movie or two. “We’ll see,” tinuran ni Thia. “If I win the Miss Eco title, I’ll gonna focus the one year and help the organization. If ever I don’t, maybe. It depends.”

Sa IG story ni Thia, in-announce niya sa kanyang mga follower na pumasok siya sa Top 10 ng Best in Resort Wear. Ani pa niya, malalaman kung magwawagi siya sa nasabing segment sa mismong coronation night.

Will Thia be the fourth winner ng Miss Eco International following the footsteps of Miss Canada, Amber Bernachi, ang reigning Miss Eco International 2017?

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?