309
thia1
Apr 27, 2018 @ 20:58
By

DAILY RADAR: Thia Thomalla, pasok sa ilang pre-pageant activities ng 2017/2018 Miss Eco Int’l

Gaganapin ngayong April 28, 2:30AM, Manila time (8:30PM, Egypt time) ang coronation night ng 4th edition ng 2017/2018 Miss Eco International (MEI) sa Cairo Opera House, Cairo, Egpyt.

Si Cynthia “Thia” Thomalla ang kumakatawan ng Pilipinas after she was crowned Miss Eco PH at the 2017 Miss World Pageant at the MOA Arena last September 3, 2017.

Sa nakuha naming digits sa Instagram page ng Miss Eco International, merong 60 beauty delegates mula sa iba’t-ibang panig ng mundo.

So far, Thia is making her presence felt in Egypt! Pasok ang YAZZ Prepaid Card endorser ng Metrobank Card Corporation sa ilang pre-pageant activities tulad ng Best Eco Dress Prime, Best in Talent at Best Resorts Wear. Malalaman ang winners ngayong gabi sa coronation nights.

At kung magpapatuloy ang lucky streak ni Thia, at magkatotoo ang hula ng Missosology sa kanilang hot picks ng Top 5 ng Miss Eco International, this 22-year old lady from Southern Leyte might just bring home the MEI crown. Abangan!

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?