237
bimby-letter
Apr 27, 2018 @ 13:08
By

DAILY RADAR: Thank you letter at regalo ni Bimby kina Joshua at Julia, pinakialaman ni Kris

Nagsimula na ngang mag-shooting si Kris Aquino ng comeback movie niya sa Star Cinema at kabituin dito ng Queen of All Media ang on and off cam partners na sina Joshua Garcia at Julia Barretto.

Kung tama ang basa namin, ngayong Friday ang continuation ng shooting ni Kris with the Joshlia tandem ng “I Love You, Hater” which Kris hinted in one of her Instagram posts na baka palitan pa ang title na mula sa direksyon ni Giselle Andres.

Bago natulog ang actress/TV host kagabi, tumulong pa si Kris sa pag-aayos ng thank you letter at regalo ni Bimby for Julia and Joshua.

Sa caption ni Kris, aniya, “Patulog na lang po ako, but i had to check what my bunso wrote in his cards for [‘ate’] @juliabarretto & [‘kuya’] @garciajoshuae… i told Bimb sa kwentuhan namin ni joshua- i really felt sympathy for him because he grew up w/ no mom… He asked me this afternoon what he could send #joshlia to say THANK YOU to them for taking care of his mama because he wasn’t around. I said mukhang mahilig yung 2 sa chocolates & parang walang conflict sa endorsements.”

Bahagi pa rin ng caption ni Kris, “True naman, i told my 2 boys that i want to [‘adopt’] @garciajoshuae kasi na affect talaga ko sa na share nya about growing up na walang mom… marunong si God, he had a good uncle na priest, a loving lola, and a hardworking dad. Okay this mama can sleep na. Good night.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?