By

DAILY RADAR: Stress-reliever ni Ryza Cenon, pamumundok!

Sharing is caring!

Kamakailan lang ay inakyat ni Ryza Cenon, kontrabida ng top-rating Afternoon Prime na “Ika-6 Na Utos” na magtatapos this coming Saturday, kasama ang boyfriend na si Paolo Barretto.

Advice ng Viva Artist Agency (VAA) sa mga taong stress, umakyat ng bundok!

“Kapag stress ka iakyat mo ng bundok kasi kapag nakatungtong ka na ng summit o tuktok dun ka makakahinga ng maluwag makakakuha mo yung ng maluwag. Try mo! Mahirap pero masaya,” caption ng aktres sa photo na pinost niya sa kanyang Instagram account with matching photo ng Napatong Rock Formation.

Sinang-ayuna naman ito ni Ara Mina, “Sooooo true! That’s why I love to hike! Nakakarecharged sya. Join ka sa akin sa April.”

“@realaramina ate try ko po mag start na po ako taping ng april.”

Nireplayan naman ni Ara si Ryza ng “actually ako rin magstart na anytime in April.”

Ngayong magtatapos na ang pinagbibidahang series nina Sunshine Dizon at Gabby Concepcion, makahihinga na rin si Ryza sa mga basher at hater na patuloy na naninira sa kanya. Ipapalit sa “Ika-6 Na Utos” ay ang “Contessa” nina Glaiza de Castro, Geoff Eigenmann, Jak Roberto at marami pang iba.

Nakaiskedyul ding lumipad si Ryza patungong Japan para sa Osaka Asian Film Festival kung saan official entry ang pelikula nila ni JC Santos na “Mr. and Mrs. Cruz.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?