94
ryza
By

DAILY RADAR: Ryza Cenon, pasok sa sisimulang ‘The General’s Daughter’

Sharing is caring!

Agad na dumalo ang kalilipat pa lang sa ABS-CBN na si Ryza Cenon sa isang storycon na ipinatawag ng Dreamscape, Inc. head na si Deo Endrinal para sa sisimulang project na “The General’s Daughter.”

Sa Instagram ng Viva Artists Agency (VAA), isang short video ang pinost nito at nilagyan ng caption na, “After signing w/ abs-cbn @iamryzacenon joins the Kapamilya stars for a new project under @dreamscapeph.”

Ang bubuo sa bagong Dreamscape project ay sina Maricel Soriano, Angel Locsin, Janice de Belen, Ryza at Eula Valdes. Sa photo op at short IG video, makikitang kasama si Deo ng limang aktres.

Judging from the five main cast, isa itong malaking proyekto ng Dreamscape para sa Kapamilya Network.

Isn’t Ryza lucky lalo na’t kapipirma pa lang niya ng 2-year exclusive contract with ABS-CBN? At agad siyang napasama sa apat na mabibigat at tinitingilang aktres?

Ryza was 2004 “Starstruck” Ultimate Female Survivor ng Kapuso Network. She left GMA Artist Center (GMAAC) in 2017 in favor of VAA which is headed by Veronique del Rosario- Corpus.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?