46
haplos
By

DAILY RADAR: Rocco Nacino, senti sa pagtatapos ng serye

MAGTATAPOS ngayong hapon ang afternoon series na “Haplos” na pinagbibidahan nina Rocco Nacino, Thea Tolentino, Pancho Magno at Sanya Lopez.

Makikita sa Instagram account ni Rocco ang isang photo na hawak nito ang lapel na nakapangalan kay Gerald (Cortez) na karakter niya sa serye.

“So this is it,” senti ng aktor. “It has been a great run, a wonderful run actually. Akalain mo naman, isang buwan lang kami dapat ipalalabas ngunit nakaabot ang problema ng 7 buwan.”

Dagdag ng former “Starstruck” runner-up, “Eto ang kauna-unahan kong panghapon na inabot nang ganito katagal. I definitely have nothing but good words to the whole cast and crew of this team. So proud lalo na of my co-stars who have appreciated and found a deeper sense of acting through ‘Haplos.’”

Nagpasalamat din ang aktor sa mga tagahangang suporta sa programa at sa network na nagtiwala sa kanila. “Thank you GMA for entrusting this show to us!”

 

rocco-nacino

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?