49

By

DAILY RADAR: Rocco Nacino, nag-initiate ng blood letting project

Sharing is caring!

Isang bloodletting project ang magaganap sa Sabado, March 17 sa Rufu’s Timog (fronting GMA Network), mula alas-8 ng umaga hanggang alas-3 ng hapon.

Ang Kapuso hunk na si Rocco Nacino ang nag-initiate nito, sa tulong ng kanyang Mommy Linda at mga fan club ng aktor.

Rocco turns 31 years old on March 21 at ang beneficiaries ng birthday charity bloodletting event na ito ng award-winning actor ay ang pediatric cancer patients ng Pedia Oncology Ward ng Philippine General Hospital (PGH) at Bahay Aruga sa San Marcelino, Paco, Manila.

Hindi na ito bago kay Rocco. In the past, binibisita na niya ang PGH, Bahay Aruga at iba pang institusyon sa tuwing sumasapit ang kanyang birthday.

One time, sumama kami sa kanyang gift-giving sa National Children’s Hospital, along E. Rodriguez. Dito’y namahagi siya ng mga laruan, pagkain at nag-share rin ng tulong pinansyal sa mga batang biktima ng kanser.

Nabanggit sa amin dati ng aktor, “Ang sarap ng feeling na nakakatulong ka sa kapwa. Naise-share mo kung anong meron ka. Hindi pa man ako artista, ginagawa ko na ito, kasama ang aking pamilya.”

Pabalik na ngayong araw ang aktor mula sa Tokyo, Japan (kasama ang owner ng Bench na si Ben Chan at ilang staff), para sa store visit ng Jins, isang eyewear brand na magiging available na sa Pilipinas soon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?