157
rocco
By

DAILY RADAR: Rocco Nacino, excited sa ipatatayong ‘dream house’ sa Antipolo City

All set na si Rocco Nacino sa ipatatayo niyang bahay sa Antipolo City. Kaninang umaga, nag-groundbreaking na para sa kanyang dream house na pinag-ipunan niya ng matagal na panahon.

Nag-share ang Kapuso hunk ng ilang photos na kuha sa groundbreaking sa kanyang Instagram account.

Sa caption, sabi ng aktor, “Today’s groundbreaking to start the constructions of my house! Thank you to my team, my contractor Tita Layde Songcuya, architects, workers, and especially mom [Tita Linda Nacino] for getting everything set to build this. Excited for the coming months and years! Amazing morning with prayers over the lot and everyone involved to make this a successful project! Let’s do this! Thank you Lord!”

Many months ago, sa isang book fair ay ipinakita sa amin ni Rocco ang design ng itatayo niyang bahay. Ang ganda ng disenyo, 3-storey residential house and it will be constructed on a hill overlooking the metropolis.

Ayaw tawaging dream house ng award-winning actor pero binawi rin naman niya ito.

“Hindi naman dream house but once constructed it will be my only house. Masasabing dream house na rin pala kasi ako ‘yung masusunod kung ano ‘yung nabi-visualize ko sa gagawin. So kapag naipatayo ko na ‘yan, sobrang okay na ako. Lahat ng gusto kong gawin, puwede ko nang gawin.”

Biniro namin si Rocco. Kasunod na ba ang pag-aasawa? “Why not?”

Kasalukuyang in a relationship status si Rocco at mukhang ‘lucky girl’ naman si Melissa Gohing sa piling ng aktor.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?