106
rocco-nacino2
By

DAILY RADAR: Resto ni Rocco Nacino, pinasok ng salisi gang

Pinasok ng magnanakaw ang Rufu’s Timog na pag-aari ng Kapuso hunk na si Rocco Nacino nu’ng Lunes, March 26.

Sa Facebook post ni Mommy Linda Nacino, sinabi ng ina ng aktor na hindi diumano siya makapaniwalang papasukin ang kanilang restaurant sa araw ng Lunes Santo.

“I can’t believe that on Holy Monday, this ‘Salisi Thief’ who brought scissors (his face captured on CCTV & to be posted later so pls beware of this thief)! When the Cashier was busy, he cut the strings tied to the Donation Bottle & Can intended for Cancer Patients (located beside the cashier), slid them in his bag, ordered beer, sat down & was so relaxed as he finished his beer, then sneaked out of our Store!” kuwento ni Mommy Linda sa kanyang FB wall.

“I wonder if he feels any remorse or guilt when he spends the money he has stolen which was supposed to be donated to patients battling cancer for their treatments! God must be upset watching what he just did! Grrrrr!” sambit pa niya.

Days before Rocco celebrated his birthday last March 21, nag-organisa pa ang aktor ng isang bloodletting event sa Rufu’s Timog para sa mga batang may cancer sa Bahay Aruga at Pedia Oncology Ward ng Philippine General Hospital (PGH).

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?