By

DAILY RADAR: Rason ng pagbibitiw ni Aiza bilang NYC Chief, hindi pa malinaw

Sharing is caring!

Nagpaalam na si Aiza Seguerra sa mga kasamahan niya sa pinamumunuang National Youth Commission (NYC) office, kahit sa April 5 pa ang effectivity ng kanyang resignation.

“Thank you, NYC!” tanging nasabi ng singer sa kanyang Facebook page na nilakipan pa niya ng tatlong photos.

Tulad ng alam na ng lahat, nag-tender na ng kanyang resignation bilang NYC Chairperson & CEO nu’n pang March 5 at inanunsiyo lang niya ito ngayong araw.

Sa kanyang Facebook post kanina (approximately 1PM), sabi ni Chair Aiza, “I met with our dear President last March 5th to tender my resignation as NYC Chairperson. I coordinated with his office because I wanted to personally tell him my reason. Knowing how social media can exaggerate or twist the truth, I wanted to make sure that he’s going to hear it from me. He was very understanding and supportive of my decision. Para siyang tatay. Nakinig, inintindi at pinalakas ang loob ko. I told him how much I valued his trust and how this experience made me appreciate public service and our public servants.”

Dagdag pa niya, “Sa pagkakataong ito, gusto ko magpasalamat sa inyong lahat. Sa mga kasamahan ko sa komisyon, sa OCS, at sa lahat ng mga ahensiyang nakatrabaho ko for the past year and half. Thank you for believing in me and for making my chairmanship, as short as it may have been, one of the most unforgettable experiences of my life.”

“Sa kabataang Pilipino, napakarami kong natutunan sa inyo. Kayo ang puso ng lipunan and you must be heard. In this very divisive society, I hope you will lead the country in finding commonalities that will bring us all together. Be kind, always.”

Sa huli, tanging nasabi lang ni Aiza, “Maraming salamat po sa inyong lahat.”

As of press time, personal diumano ang dahilan ng resignation ni Aiza. Gusto raw nitong mag-concentrate sa kanyang profession bilang isang mang-aawit.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?