485

By

DAILY RADAR: Post-birthday party ni Maine, tuluy-tuloy pa

Sharing is caring!

Binigyan ng post-birthday party ng Solid Maine United (SMU) ang Phenomenal Star na si Maine Mendoza nu’ng March 11 sa Matrix Creations Event Venue along Malakas St., Quezon City.

Present ang parents ni Menggay nu’ng SMU party. Andu’n din siyempre ang head ng Triple A (All-Access to Artists) na si Rams David na tumatayong manager ng Kapuso Primetime Queen Marian Rivera, Menggay at iba pa.

Ang SMU ay binubuo ng iba’t-ibang fans club ng Dubsmash Queen tulad Maine Lovers, Maine Girls, Maine Cuties, Maine Infinity, Maine Society, Maine Avenue, Mainesters, Piggies of Maine,Mainenatics at marami pang iba.

Maine, Alden Richards’ #KalyeSerye partner, has just turned 23 years old last March 3. Pero hindi pa tapos ang party na bigay ng mga tagahanga.

Dinig namin, may magaganap pang party bukas, March 14; susundan pa raw ito sa March 17; 2 post-birthday party naman daw sa March 20 at March 22; at pagpasok ng April, meron pang isa. It’s a month-long celebration indeed for this “Eat Bulaga” star.

Nag-top trending topic din ang hashtag na #MaineLegendary23.

Abang-abang lang mga dabarkads dahil tuluy-tuloy pa ang selebrasyon ng “Juan for All, All for Juan” superstar. Pero bawal lang ang negatrons sa social media. Stop the hate, ‘ika nga ni Maine! Getz n’yo, fandoms?

A post shared by Niceprintphoto (@niceprintphoto) on

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?