125

Mar 8, 2018 @ 19:47
By

DAILY RADAR: Paniniguro ni Direk Erik Matti, tuloy ang ‘Darna’

Maikli lang ang Twitter post ni Direk Erik Matti (@ErikMatti) tungkol sa mga lumalabas na hindi na matutuloy gawin ng direktor ang movie remake ng “Darna.”

Kaninang 6:32 ng gabi (location: Taguig City), nag-post si Direk Erik ng “Shelved na Darna? Sino may sabi? Paano ‘to? #Darna #comingsoon.” At tinag pa niya sina Roxy Liquigan (@Roxy_Liquigan) at Mico del Rosario (@micodelrosario), dalawa sa executives ng Star Cinema, ang film arm ng ABS-CBN.

Sa Twitter photo, kasama ni Direk Erik ang ilang tauhan ng Star Cinema (hoping na tama ang hula namin) isang naka-black dress na damit na halatang si Liza Soberano (gaganap na Darna) at isang lalaking nakatalikod din at nilagyan ng smiley emoji to hide the identity of the person.

Ilang taon na ring pinag-uusapan ang pagsasapelikula ng sikat na local fictional superhero pero hindi pa rin ito matuluy-tuloy. Katunayan, sumailalim na rin ng training si Liza para sa kanyang role.

With Direk Erik’s assurance na matutuloy na ito, tiyak na magbubunyi ang mga tagahanga ni Liza (kung siya pa rin ang gaganap) at fans ng Darna.

Abangan!

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?