79

By

Daily Radar: OPM singer Rachel Gabreza, wagi sa London songfest

NAG-UWI ng karangalan sa bansa ang dating “Tawag ng Tanghalan” contestant at OPM (Organisasyon ng Pilipinong Mang-aawit) member na si Rachel Gabreza.

Itinanghal siyang kampeon sa second round ng kompetisyon sa katatapos na Stars of Ablion Grand Prix 2018: 5th International Performing Arts Festival & Contest sa Rudolf Steiner House and Theatre sa Park Road, London.

Base sa website ng musicanova.org.uk, ang grand prix winner ay mag-uuwi ng £500 (equivalent to P36,000 plus in PH peso), certificate at trophy.

Ayon sa Instagram post ni Ogie Alcasid, former OPM President, tinalo ni Rachel ang mga competitor ng bansang Russia, Great Britain, Malta, America, Bulgaria, Ukraine, Greece, Cyprus, Estonia, India, Georgia, Armenia, Latvia at Ghana.

“Congratulations Rachel! #RachelGabrezaGrandPrix #PinoyPride,” pagbati ng mister ng Asia’s Songbird na si Regine Velasquez- Alcasid.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?