353

Mar 21, 2018 @ 16:36
By

DAILY RADAR: Nora, Vic, Tito, Alden, Maine at iba pa, magbibida sa Lenten Special ng ‘Eat Bulaga’

Anim na kuwento ang matutunghayan ngayong Holy Week sa longest-running noontime show na “Eat Bulaga” ng TAPE, Inc. at GMA Network at prodyus naman ito ng APT Entertainment ni Mr. Antonio Tuviera.

Ang unang episode na pinamagatang “ Hating Kapatid” ay pagbibidahan nina Jose Manalo, Miggy Tolentino at Wally Bayola.

Magbibida naman sina Alden Richards, Joey de Leon at Tito Sotto sa “Haligi ng Pangarap” kung saan kabituin din nila sina Tirso Cruz, III, Joel Palencia, Jon Timmons at Perla Bautista.

Sa ikatlong episode, mapapanood sina Vic Sotto at Maine Mendoza, kasama sina Allan K, Jimmy Santos, Anjo Yllana at Kendoll (Mama Ten) sa “Taray Ni Tatay.”

Bidang-bida naman ang nag-iisang superstar na si Nora Aunor, kasama rin sa cast ang “Eat Bulaga” child wonder na si Ryza Mae Dizon. Ang episode nila ay pinamagatang “A Daughter’s Love.”

Sa episode na “Pamilya,” pagbibidahan ito nina Ronaldo Valdez, Paolo Ballesteros, Baeby Baste, Jake Ejercito at Ryan Agoncillo.

Pagbibidahan naman nina Ruby Rodriguez at Kenneth Medrano ang “My Carenderia Girl,” kasama sina Paulene Luna- Sotto, Luane Dy, Kim Last at Tommy Peñaflor.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?