paolo-solenn
By

PAMBANSANG RADAR: ‘My 2 Mommies’ nina Paolo at Solenn, humakot ng 5.5M sa opening day

Sharing is caring!

Ramdam namin ang magandang mood nina Mother Lily at Roselle Monteverde sa mga sandaling ito lalo na’t pinag-uusapan at pinipilahan sa takilya ang latest film ng Regal Entertainment na “My 2 Mommies” na pinagbibidahan nina Paolo Ballesteros at Solenn Heussaff.

Sa opening day ng movie na dinirehe ni Eric Quizon at sa panulat naman ni direk Joey Javier, humakot na agad ito ng 5.5 million sa takilya.

Ang pelikula ay graded A ng Cinema Evaluation Board (CEB) at rated PG (Parental Guidance) ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB).

Unang pagsasama ito nina Solenn at Paolo sa pelikula at nakitaan agad ng chemistry ang dalawang Kapuso stars. Panalung- panalo ito sa casting lalo na’t kasama pa sa movie ang orihinal na Taray Queen na si Maricel Soriano. No doubt, bukam-bibig na ito ng madlang pipol.

Samantala, pagkatapos ng “My 2 Mommies,” inihahanda na rin ng Regal ang next movie nilang “So Connected” ni direk Jason Paul Laxamana, at pinagbibidahan ito nina Janella Salvador and Jameson Blake. The movie is scheduled to hit cinemas nationwide on May 23.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?