4,081
mark-herras
Apr 18, 2018 @ 13:42
By

DAILY RADAR: Mark Herras, deadma sa sex video scandal

Hindi na kailangang kumpirmahin pa o aminin ni Mark Herras kung siya talaga ‘yung nasa video scandal na kumalat sa social media nu’ng madaling araw ng April 6.

Ani Mark nang makausap namin sa press launch ng “The Cure” ng GMA Network sa Le Rêve Pool Party Venue & Events Place kagabi, “Wala akong lilinawin, lumang issue na ‘yan. 12 years ago pa ‘yun. Wala rin akong ideya kung bakit nilabas or what?”

Hindi apektado si Mark, kinikilala bilang kauna-unahang “Starstruck” Ultimate Male Survivor, sa issue pero ang pakiusap niya sa mga netizen ay ‘wag nang idadamay ang kanyang girlfriend na si Teresita ‘Winwyn” Ssen Marquez, ang reigning Reina Hispanoamericana 2017.

“Hindi nila dapat idinadamay si Win about this, ‘di ba? Ako naman, ah, personally, hindi ko siya para sagutin pa kasi it’s an old issue na ako mismo basically, wala naman akong pakiaalam at deadma naman ako, so ‘yun lang pakiusap ko. ‘Wag nilang idamay si Win,” pakiusap ni Mark.

Dugtong niya, “Ako naman, hindi ko na ito kailangang i-entertain pa, para sagutin pa. It’s an old issue na ayoko nang pag-usapan pa.”

Ang ganda ng disposition ng aktor sa pag-handle ng issue. Kung iba sigurong talent, iiwas sa issue at hindi nadadalo sa mediacon ng bagong GMA primetime show na magsisimulang mapanood sa April 30.

Kuwento ni Mark na gumaganap bilang Darius, a one-track mind man who is ruthless, strong, skilled in physical combat, and ruthless in getting what he wants, “Nakaka-excite ‘yung mismong story kasi nga first time itong gagawin sa GMA, first time na gagawin sa TV, so it’s very exciting kasi iba naman ‘yung ilalatag natin sa mga tao, kumbaga, hindi lang ito basta drama, hindi lang basta action, kumbaga, may halo rin itong thriller at nakakatakot, so ito ‘yung excitement sa ‘The Cure’ kasi magugulat ‘yung tao kasi iba sa paningin nila at bago ito.”

Ang “The Cure” ay mula sa direksyon ni Mark Reyes, at bida sa serye sina Jennylyn Mercado at Tom Rodriguez, kabituin pa rin sina Jaclyn Jose, LJ Reyes, Ken Chan, Jay Manalo, Irma Adlawan, Diva Montelaba, Arra San Agustin, at marami pang iba.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?