33

By

DAILY RADAR: Maidirek ni Mike de Leon, isang karangalan para kay Max Collins

Sharing is caring!

Makahihinga na nang maluwag ang isa sa leading ladies ni Dennis Trillo sa “The One That Got Away” na si Max Collins dahil sa positibong feedback sa akting na ipinamalas niya sa “Citizen Jake” na pinagbibidahan ng Kapuso journalist at TV host na si Atom Araullo at sa direksyon ni Mike de Leon.

Ginagampanan ni Max ang papel na Mandy, isang English school teacher at girlfriend ni Jake Herrera (Atom).

Proud na proud ang misis ni Pancho Magno na mapabilang sa cast ng comeback film ni direk Mike after almost 18 years in hiatus.

Aminado ang Kapuso actress na kabado siya nu’ng unang masilayan ang movie sa isang invitational screening nu’ng March 10 sa UP Cine Adarna, at nasundan pa ito ng first public screening nu’ng Tuesday, March 13.

Lahad niya sa kanyang Instagram account, “March 10th, 2018 was definitely an unforgettable night. I thought I would have a heart attack because of how nervous I was. I still don’t know why or how I found myself next to all of these brilliant actors and the LEGENDARY Director Mike de Leon.”

Full house nu’ng first invitational screening. Present ang director at ang bida ng pelikula at ilang miyembro ng cast tulad nina Gabby Eigenmann, Richard Quan at iba pa. Kasama rin ni Max ang kanyang mister.

“I’m definitely one lucky girl. Thank you Direk Mike for taking a chance on me. I hope I didn’t let you down,” pagpapatuloy ni Max.

“Congratulations to the whole #CitizenJake team! Everyone has worked so hard on this film and finally, after two years, the masterpiece is complete,” wika pa ng aktres.

We heard, balak itong i-release ng Star Cinema pero mukhang wala pang plano ang director for a nationwide release. Tila kuntento na siyang napapanood ito sa UP Film Center. Sa March 23, muling mapapanood ito sa naturang venue.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?