279
Abante-VisMin-Radar-john-estrada
By

DAILY RADAR: John Estrada, isa nang ganap na Kapuso!

Sharing is caring!

Ganap nang Kapuso ang seasoned actor na si John Estrada after signing an exclusive contract with GMA Network, Inc., today, May 2.

Present sa contract signing were Ms. Lilybeth G. Rasonable (GMA Senior VP for Entertainment Content), Ms. Redgie Acuña- Magno (GMA VO for Drama Productions), Ms. Angela Javier- Cruz (GMA VP for Corporate Affairs & Communications), Ms. Cheryl Ching- Sy (GMA AVP for Drama Productions, and Ms. Benita S. Matillac (Program Manager).

Ayon kay John, he feels extremely happy and excited as he officially becomes part of the Kapuso Network.

“I feel so welcome and at the same time excited. Well, it’s a fact naman that I love challenges, ‘di ba? And as you mature, siyempre, mas marami kang gustong patunayan sa sarili mo. At dito sa GMA, mas interesting yung mix of content. And of course, bagay sa akin ‘yung versatility na ino-offer nila.”

Magiging bahagi si John ng pinaka-malaki at pioneering project this year. “Itong first project ko, dito ako medyo sobrang excited dahil napakaganda. If I am not mistaken, this is the biggest project of GMA this year. ‘Yung revelation nito dapat perfect timing kasi nga malaking project ito and I am really looking forward to that. I just want to say that it’s all worth the wait.”

Dagdag ng aktor, hindi na raw siya nag-atubiling tanggapin ang offer dahil ground-breaking ito at very challenging.

Kuwento niya, “The role and the project itself, I’ve never done something like this. This is my first time to do something like this. Kaya sana, mga Kapuso, abangan n’yo ito talaga dahil maraming bago sa series na ito.”

Maliban sa kanyang first Kapuso project, nilo-look forward din ni John na makatrabaho niya ang anak niyang si Inah de Belen at ilan pang malalaking bituin ng GMA tulad ng mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera.

“I’m looking forward to work with my daughter, Inah. And of course, I am a good friend of Dingdong and Marian. It’s my dream to work with them. Of course, marami pang Kapuso talents na napapanood ko na magagaling talaga,” pagtatapat pa ng bagong Kapuso star.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?