17
views
jessica-soho
By

DAILY RADAR: Jessica Soho, nag-iisang Pinay news presenter sa 2018 New York Festivals

Sharing is caring!

Kinilala ang galing ng GMA news pillar na si Jessica Soho bilang recipient ng Bronze World Medal as Best News Anchor sa katatapos na 2018 New York Festival World’s Best in TV & Films sa Westgate Las Vegas Resorts & Casino.

Jessica anchors the award-winning news program titled “State of the Nation Address with Jessica Soho” na napapanood sa GMA News TV (GNTV) Channel 11.

Sa taong ito, nag-iisang Filipino broadcast journalist si Jessica na nakatanggap ng nominasyon sa Best News Anchor category and eventually won the Bronze World Medal.

Ang flagship news program naman ng GNTV ay tumanggap din ng pagkilala bilang Best Newscast dahil sa episode nitong “Marawi Liberation: War Is Over.”

Jessica has the distinct honor as the first Filipino journalist who won the prestigious George Foster Peabody Awards na ibinibigay ng Henry W. Grady College of Journalism and Mass Communication ng University of Georgia sa America.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?