jasmine-curtis-smith-radar
By

DAILY RADAR: Jasmine Curtis Smith, bagong Kapuso

Sharing is caring!

Ganap nang Kapuso ang former TV5 star na si Jasmine Curtis Smith. Ngayong araw, Tuesday, April 17, pumirma na ng kontrata ang award-winning actress sa GMA Network.

Present sa contract signing ay sina Atty. Felipe L. Gozon (GMA Chairman & CEO), Ms. Lilybeth G. Rasonable (SVP for GMA Entertainment Content Group), Ms. Gigi Santiago- Lara (Senior AVP for Alternative Productions) and Ms. Betchay Vidanes (Jasmine’s manager & Vidanes Artist Management head).

Matagal na ring usap-usapan ang tungkol sa paglipat ni Jas sa Kapuso Network mula sa TV5. May lumitaw pa ngang balita noon na magiging bahagi siya sa sisimulang seryeng “Mitho” ni Alden Richards pero itinanggi na rin ito ni Jasmine sa kanyang previous interview.

Anu’t-anuman, nakatitiyak ang fans ni Jasmine na isang malaking proyekto ang ipagkakatiwala ng network sa kanya.

Sa interview naman ng GMA News at posted sa Instagram account ng GMA Network ang short video, sabi ng utol ni Anne Curtis, “Well, sakto lang na at that time, patapos na rin kontrata ko with the other network and GMA was the first one to show interest and they’ve been very patient with us, very kind and generous so parang no-brainer na lang siya, alam mo yun?”

Dagdag ng aktres, “Lahat ng naririnig ko sa mga kaibigan kong nasa GMA na nagtatrabaho dito, like Laureen (Young), Solenn (Heussaff), I only heard good words about GMA and the people of GMA, so there’s nothing… wala akong apprehensions or anything. More of like, oh my gosh, magtatrabaho na ako. Mag-iingay na ulit ako.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?