23
james-reid-radar
By

DAILY RADAR: James Reid, tumanggap ng 4 na nominasyon sa MYX Award 2018

Sharing is caring!

Nominado sa apat na major categories ang VAA artist at Kapamilya star na si James Reid sa gaganaping MYX Music Awards 2018.

Nominated ang real-life sweetheart ni Nadine Lustre sa Artist of the Year, kalaban sina Darren Espanto, Iñigo Pascual, KZ Tandingan at Sarah Gerenomino.

Sa Artist of the Year, makakatunggali niya sina Darren, Iñigo, Quest at TJ Monterde.

Nominado rin ang singer/actor sa kategoryang Music Video of the Year: “My Life” magkatuwang na dinerehe nina Nadine Lustre at Petersen Vargas.

Ang awitin niyang “Cool Down” ay nominado rin bilang Song of the Year.

Sa Twitter, inanunsiyo ito ni James at humihingi siya ng supporta sa kanyang mga follower lalo na’t online voting ito. “Nominated in 4 categories for the #MYXMusicAwards2018 your support is much appreciated.”

Sa March 31, Black Saturday, ipalalabas ang latest movie nina James at Nadine, collectively known as JaDine to many of their fans, na “Never To Love You” na dinirehe ni Antoinette Jadaone.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?