229
loisa-andalio
By

DAILY RADAR: Gabbi Garcia, Iñigo Pascual at Joshua Garcia, tinalo ng fans ni Loisa Andalio

Iniluklok ng fans ang iniidolo nilang si Loisa Andalio bilang Favorite Pinoy Newbie sa 2018 Nickelodeon Kids’ Choice Awards.

Nagsipag at kinarir talaga ng mga tagahanga ng former housemate ng “Pinoy Big Brother: All In” para makuha nito ang award.

Sure rin kaming nagsipag din naman ang mga fan club nina Joshua Garcia, Iñigo Pascual at Gabbi Garcia para makahabol sa botohan. ‘Yun nga lang, nakaungos sa boto si Loisa kaya ito ang nagwagi sa 2018 Nickelodeon Kids’ Choice Awards.

Tanggap ng Kapuso actress at leading lady ni Ruru Madrid sa “Sherlock, Jr.” ang kanyang pagkatalo. Nagpasalamat agad si Gabbi sa kanyang mga tagahanga.

Say ng dalaga, “I wanna thank everyone who put their hearts out in voting for me!!! So heart warming to see all the fandoms unite! Being nominated alone is such a big achievement already. Much love Gabbified & GR’s!”

Ipinabot din ng Kapuso star ang pagbati sa dalawang nominadong Kapamilya actors at ang nanalong si Loisa, “Congratulations, Joshua, Iñigo, & Of course, Loisa! #KCA #FavPinoyNewbie.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?