21

By

DAILY RADAR: Direk Sigrid Bernardo, rarampa sa Osaka filmfest

Sharing is caring!

Nasa Japan na ngayon ang box-office lady filmmaker na si Sigrid Andrea Bernardo, direktor ng hit movie na “Kita Kita” nina Alessandra de Rossi at Empoy Marquez para sa Osaka Asian Film Festival (OAFF) 2018.

Bago lumipad patungong Osaka ang nag-iisang lady director sa kuwadra ng IdeaFirst Company nina direk Jun Lana at direk Perci Intalan, nanood muna siya ng “Citizen Jake” ni Direk Mike de Leon.

Sa isang Instagram post ni direk Sigrid kung saan makikita rito ang isa niyang photo with the master filmmaker (direk Mike), wika niya, “With the director of #CitizenJake Mr. ‘Mike de Leon’ (insert clapper/movie camera emojis).

Dagdag niya, “Ang pelikulang ito ay para sa mga kababayan nating nakalimot,” at hinihikayat niyang dapat itong panoorin.

Samantala, napili ang pelikula ni direk Sigrid na “Mr. and Mrs. Cruz” (topbilled by Ryza Cenon and JC Santos) bilang isa sa official entry sa OAFF 2018 na nagsimula na nu’ng March 9 at magtatapos sa March 18.

Sa IG feed ni Direk Sigrid, aniya, “Touchdown #Osaka, #Japan! I’m here for the screening of #MrandMrsCruz at the OSAKA ASIAN FILM FESTIVAL.” Ibinalita niyang tapos na ang nakaiskedyul na March 14 screening at masusundan ito sa March 17, Saturday sa ABC Hall.

Sa Twitter page naman ng FDCP (Film Development Council of the Philippines, headed by its Chairwoman & CEO Liza Diño- Seguerra), inanunsiyo nito ang iba pang Pinoy films na in-competition sa on-going OAFF 2018. Kabilang dito ang mga pelikulang “Neo Manila” ni direk Mikhail Red; “Paki” ni direk Gian Carlo Abrahan; at “Love You to the Stars and Back” ni direk Antoinette Jadaone.

Nakaiskedyul ding i-screen sa Cine Libre Umeda 3 ang klasikong pelikula ni Mario O’Hara na “Tatlong Taong Walang Diyos” nina Nora Aunor at Bembol Roco.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?