164

By

DAILY RADAR: College diploma, ipinagmalaki ni Sunshine Cruz!

Sharing is caring!

Mahigit isang taon bago nakuha ni Sunshine Cruz ang kanyang college diploma sa Arellano University kung saan nagtapos siya ng kursong Bachelor of Arts in Psychology sa pamamagitan ng Expanded Tertiary Education Equivalency and Accreditation Program (ETEEAP) ng Commision on Higher Education (CHED).

Today, the actress posted her diploma on her Instagram account. Sa caption, it reads, “Finally, got my diploma. “Eteeap #arellanouniversity #bapschology.”

Nu’ng November, 2017, naidepensiya ng kanilang grupo ang kanilang thesis at nakakuha ito ng markang 1:5 (equivalent to 93 per cent). Kaya nu’ng April, 2017, kasabay ng iba pang estudyante ng Arellano U, nagmartsa si Shine sa PICC para tanggapin ang pinaghirapang college diploma.

Natatandaan pa namin ang sinabi ni Sunshine nang mainterview namin sa lobby ng isang hotel sa launched ng isang mamahalin at branded na relo sa tanong kung bakit pursigido siyang tapusin ang kolehiyo. “Para naman may maipagmalaki ako sa mga anak ko. Ayokong sumbatan nila ako balang araw na hindi ako nakapagtapos ng kolehiyo.”

With her diploma now, tiyak na ipinagmamalaki si Sunshine ng kanyang mga anak na sina Cheska, Sam at Angelina na pawang honor students din. Proud din siyempre ang kanyang boyfriend na si Macky Mathay sa kanyang achievement.

“Always proud of you my sunshine!” sambit ni Macky sa IG thread ng post ni Sunshine.

Sa next post ng aktres ng “Karibal Ko Ang Aking Ina” ng GMA Network sa IG ay mga larawan nu’ng magtapos siya sa PICC at ang caption niya rito ay mula kay B.B. King (isang American singer) and it says, “The beautiful thing about learning is that no one can take it away from you!”

Finally got my diploma. ☺️ #Eteeap #arellanouniversity #bapsychology

A post shared by Sunshine Braden Cruz (@sunshinecruz718) on

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?