596

Feb 20, 2018 @ 13:23
By

Daily Radar: Claudine Barretto, bumisita sa puntod ni Rico Yan

KASAMA ang kapatid ng namayapang si Rico Yan, bumista sa puntod si Claudine Barretto at Tina Marie Yan na tinawag na ‘sister’ ng controversial actress.

“My sister @tinamarieyan is home from the states.visited RY earlier,” tipid na caption ni Clau sa post niya sa kanyang Instagram account kalakip ang ilang photos at maikling video na kuha sa loob ng mausoleum ng mga Yan sa Manila Memorial Park sa Sucat, Parañaque.

Rico was Claudine’s on and off screen partner. Nu’ng nabubuhay pa ang aktor, paboritong leading man siya ng sister ng equally controversial na si Gretchen Barretto. Katunayan, ilang movies and TV projects din ang nagawa nila together under ABS-CBN at Star Cinema.

It was a Good Friday, March 29, 2002 when Rico succumb to death dahil sa acute hemmorrhagic pancreatitis sa Dos Palmas Island Resort & Spa sa Puerto Princesa, Palawan. He could have been 43 years old on March 14, 2018.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?