309

Mar 18, 2018 @ 9:30
By

DAILY RADAR: Bianca Umali, niregaluhan ng all-expense paid trip to Japan ni Miguel Tanfelix

Sinuklian ng mahigpit na yakap ni Bianca Umali ang kanyang favorite leading man sa top-rating primetime show na “Kambal, Karibal” ng GMA Network.

Ginanap ang debut party ni Bianca sa EDSA Shangri-la Hotel at sa 18 gifts, isang all-expense paid trip to Japan ang regalo ni Miguel sa kanyang leading lady.

At 18, hindi pa naka-experience ang dalaga na mag-out of the country trip dahil nagkaroon ng problema sa pagkuha niya ng passport. Pero ngayong naayos na ito at may hawak ng passport si Bianca, tuloy na ang pangarap niyang makapag-travel abroad.

Here’s the short clip na posted sa Instagram account ni Kapuso Girl habang binabasa ng pretty debutante ang nakasulat sa card ni Miguel.

“Happy 18th birthday. I wish you all the happiness in this world. Please accept my humble gift to you, an all-expense paid trip to Japan,” na tila hindi makapaniwala si Bianca sa kanyang binasa.

Tugon ng binata, “Kasi alam kung favorite country mo ‘yung Japan, ‘di ba? Gusto ko ‘yung first labas mo sa Japan, kasama si Ninong Wil- ‘Mama, kasama si Ninong Wil, ha?’ Boss Vic (del Rosario, GMAAC) and Ms. Tracy (Garcia, GMAAC). So, Mama, huwag po kayong mag-alala dahil lahat kami, aalagaan namin si Bianca dahil gusto lang naming maging happy si Bianca.”

https://www.instagram.com/p/BgbUt6-BeoG/

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?