213

Mar 26, 2018 @ 12:09
By

DAILY RADAR: Bianca Umali at World Vision PH, nagsanib-puwersa sa Marawi City

Nagsanib-puwersa ang World Vision Philippines at Kapuso star na si Bianca Umali para sa isang makabuluhang proyekto sa Marawi City.

Ilang araw pagkatapos ng kanyang grand debut sa EDSA Shangri-la Hotel last March 17, lumipad ang leading lady ni Miguel Tanfelix sa top-rating primetime show na “Kambal, Karibal” patungong Marawi City, kasama ang ilang officials at volunteers ng World Vision PH, isang non-government organization.

Pinasaya ni Bianca ang ilang kabataan at kababaihang Maranaos (tawag sa mga naninirahan sa Islamic City of Marawi) na naapektuhan ng giyera sa lugar.

Sa site ng World Vision PH, say ng dalaga tungkol sa mga kabataan, “When the children sang me a song about Marawi, I was overwhelmed. I was happy to see them play, smile, and just be children again in the child-friendly spaces. At the same time, I was sad to hear what they’ve gone through. Let’s work together to give the life every child deserves- a life in its fullness.”

Sa isang buong araw, nakipag-bonding si Bianca sa mga kabataan. Tinuruan din niyang magbasa’t sumulat at nagbahagi rin ng kuwento.

Para sa aktres, unforgettable experience ito lalo na’t first time rin niya sa lugar.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?