228
baron-geisler-radar

DAILY RADAR: Baron Geisler, magpapa-rehab

Mukhang seryoso na talaga ang controversial actor na si Baron Geisler na magbagong-buhay at iwaksi na nang tuluyan ang anumang bisyong meron siya sa ngayon.

Sa kanyang Facebook page, sinabi ng former Kapamilya star na kailangan na niyang magpa-rehab.

“I am going into rehab,” simula ng post niya sa kanyang FB wall, “and take this very seriously this time.

Humingi na rin siya ng sorry sa mga taong diumano’y nasaktan niya.

“I am sorry to all whom I’ve hurt or offended. I will be better, and I will see you all again and work with you, when I am ready,” sabi pa niya at sa dulo’y mababasa ang katagang pag-ibig.

Few weeks ago, Baron was left battered and bruised after claiming he got into a fight with family members in Angeles City, Pampanga.

Kapag natuloy itong plano ni Baron, tiyak na ikatutuwa ito ng kanyang mga kamag-anak, mga kaibigan at mga taong nakagalit niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?