413
alden-richards1
By

DAILY RADAR: Alden Richards, dadalo sa gala night ng 2018 New York Festivals

Babalik ng Amerika ang Kapuso actor na si Alden Richards pagkatapos ng kanilang show na “Sikat Ka, Kapuso” sa Sony Centre for the Performing Arts sa Ontario, Canada, scheduled on April 8.

Kasama ni Alden sa show ng GMA Pinoy TV sina Dingdong Dantes, Lovi Poe, Jennylyn Mercado, Betong Sumaya at Dennis Trillo.

Kailangang nasa Las Vegas na ang Pambansang Bae by April 10 para sa gala ceremony ng 2018 New York Festivals World’s Best TV & Films kung saan nominado sa kategoryang Best Docu-Drama ang pinagbidahan niyang mini-series na “Alaala: A Martial Law Special” where he played a student activist and victim ng human rights abuses nu’ng panahon ng Martial Law.

Pagkatapos ng gala, tawid naman si Alden sa New York City para sa two-day acting workshop with Anthony Vincent Bova at nakaiskedyul naman siyang dumating ng ‘Pinas sa April 15.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?