12
views
aicelle
By

DAILY RADAR: Aicelle Santos, kinilala bilang Best Featured Actress sa 10th Philstage Gawad Buhay

Sharing is caring!

Kinilala ang galing ni Aicelle Santos bilang Best Featured Female Performance in a Musical sa 10th Philstage Gawad Buhay Awards para kanyang pagganap sa “Maynila Sa Mga Kuko Ng Liwanag The Musical” na dinirehe ni Joel Lamangan at pinagbidahan ni Arman Ferrer.

Sa kanyang Instagram account, nag-post ang theater actress ng black and white photos na kuha sa naturang musical. Sa caption, aniya, “Humbled and blessed. I share this recognition with my ‘Maynila Sa Mga Kuko Ng Liwanag’ family, conominees who i dearly look up to, and the real life PERLAs who cried for JUSTICE! Thank you Gawad Buhay. All Glory and Praise to our Father God!”

Dugtong ng fiancée ng GMA news reporter na si Mark Zambrano, “A big congratulations to Philstage, awardees and nominees! Mabuhay ang teatrong Pilipino!”

Nasa United Kingdom ngayon ang newly engaged Kapuso singer para gumanap bilang Gigi Van Trahn sa “Miss Saigon UK” tour na magsisimulang mapanood sa April 30 sa Palace Theatre & Opera House sa Manchester, England.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?